Roque pinagsasampa ng kaso kaugnay sa umano’y mafia sa PhilHealth

0
47

Pinagsasampa ng kaso sa korte ng Malakaniyang si dating Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa nabunyag na mga miyembro ng mafia na nagmamanipula sa pondo ng PhilHealth.

Una nang inihayag ni Roque na ang grupo nina dating PhilHealth acting President Roy Ferrer at buong board ang bumubuo sa mafia sa loob ng ahensya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaya si Roque na gawin ang sa tingin niya ay tama.

Hahayaan din aniya ng Palasyo na gumulong ang batas at panagutin ang mga nasa likod ng umanoy PhilHealth mafia bagamat matagal nang nag iimbestiga ang Office of the President hinggil dito.

Pinayuhan din ng palasyo si Roque na kausapin ang kongreso kung nais na ipabuwag ang PhilHealth at gumawa ng bagong opisina tulad nang nakasaad sa Universal Health Care Act.