Pangulong Duterte “hands off” sa pagtupad ng moratorium para sa aplikasyon ng POGO — Malakanyang

0
54

Hands off ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pasya ni PAGCOR Chair Andrea Domingo na magpatupad ng moratorium sa pagtanggap ng application para sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hub sa bansa.

Ito ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay dahil nirerespeto ng Pangulo ang desisyon ng kaniyang department heads at wala sa karakter nito na pakialaman ang trabaho ng kaniyang mga tauhan.

Una nang inihayag ni Domingo na tigil na muna ang pagtanggap ng bagong license application ng POGO hubs kung saan karamihan ay Chinese workers hanggang hindi nareresolba ang ilang usapin.