Malakanyang dumistansya sa iringan nila Cardema at Guanzon

0
47

Dumistansya ang Malakaniyang sa iringan nina dating National Youth Commission Chair Ronald Cardema at Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Ayon ito kay Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil ang gusot nina Guanzon at Cardema ay sa pagitan lamang nila.

Sinabi ni Panelo na nirerespeto ng Pangulo, nagtalaga kay Cardema sa NYC ang kalayaan at hindi nakikialam sa trabaho ng constitutional body tulad ng COMELEC.

Magugunitang nagsasagutan sina Guanzon at Cardema dahil sa usapin ng edad sa pag upo ng dating NYC chair bilang kinatawan ng Duterte Youth Party-List Group.

Una nang ibinasura ng COMELEC ang nominasyon ni Cardema sa nasabing party-list group dahil over age na ito o 34 years old na gayong ang nakasaad na batas ay dapat nasa 25 hanggang 30 ang edad ng sinumang nominee sa Duterte Youth Party-List.