Roque kinontra ang pahayag ng Philhealth na itinigil nila ang pagbabayad sa WellMed

0
46

Kinontra ni Atty. Harry Roque ang pahayag ng Philhealth na itinigil na nila ang pagbabayad sa Wellmed Dialysis Center noon pang Pebrero.

Si Roque ang abogado ng mga whistleblowers na sina Edwin Roberto at Liezel Santos.

Ayon kay Roque, may mga hawak siyang ebidensya na nagpapatunay na patuloy ang pagbabayad ng Philhealth sa WellMed hanggang sa lumabas ang expose’ hinggil sa ghost dialysis.

Kinuwestyon rin ni Roque kung bakit napakatagal bago pinawalang bisa ng Philhealth ang accreditation ng WellMed gayung July pa ng nakaraang taon nang ireport nina Roberto at Santos ang Ghost Dialysis.