Isang Pinoy sa Amerika nahaharap sa patong-patong na kaso

0
46

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng isang Pilipino sa Amerika.

Kabilang sa mga reklamo laban kay Mark Lester Puzon ay identity theft, credit card fraud at commercial burglary.

Si Puzon, ayon sa San Mateo County Sheriff’s Office ay inaresto dahil sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw.

Ayon sa report, pinasok ni Puzon ang opisina ang El Camino Real kung saan nagnakaw siya ng wallet, personal items at credit cards ng isang hindi pinangalanang biktima.

Pagkatapos ng insidente, nag-shopping umano si Puzon gamit ang ninakaw na credit card sa San Bruno at pagkatapos sa San Carlos.

Positibong makilala ng mga otoridad si Puzon dahil sa CCTV kung saan siya nag-shopping.