Mga opisyal ng Philhealth unti unting babalasahin

0
47

Dahan dahan ang gagawing pagbalasa ng pamahalaan sa Philhealth.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, layon nito na hindi maapektuhan ang serbisyo ng Philhealth sa mga miyembro nito.

Sinabi ni Duque na bagamat top to botton revamp ang isasagawa sa Philhealth, uunahin anya nila ang mahihinang opisina at yung mga sangkot sa katiwalian.

Kasabay nito, kinumpirma ni Duque na pinagsumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ng courtesy resignation si Philhealth President Roy Ferrer at mga board members nito sa kanilang pulong kagabi.

Nilinaw anya ng pangulo na hindi parusa ang pagpapa-bitiw ng pangulo sa mga Philhealth officials kundi nais lamang niyang magkaroon ng clean slate ang ahensya.