Tuesday, May 14, 2024

Ronda Probinsya Program, Ibinahagi Ng Kasundaluhan Sa Mga Mamamayan Ng Sarangani.

- Advertisement -

Camp. Panacan, Davao City –   Ang grupo ni Congressman Rogelio Pacquiao kasama ang kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion ay namahagi ng mga kagamitan sa Canvas Juan Farmers Association sa Sitio Lanao Kapanglao, Brgy. Datal Bukay, Glan, Sarangani Province.

Ang mga ibinahaging mga kagamitan ay binubuo ng 12 na sako ng bigas, 6 na kahon ng Chick Loaf, 1 rolyo ng hose para sa patubig, farming Kit, buto ng mga gulay, carpentry equipment, 15 kahon ng abscorbic acid, and 5 toilet bowl.

Napag-alaman na noong Lunes ay nagbigay ng kagamitan si Congressman Pacquiao sa pamamagitan ni Atty. Ryan Ramos ang kanyang Chief Of Staff Political Affairs sa mga kasundaluhan.

Sa pagrepresenta ni 2nd Lieutenant Bernard Cudal, Platun Lider ng Alpha Company kay Lt. Col. Ronaldo G. Valdez, Kumander ng 73IB, kanyang nasabi na ang kasundaluhan ang magiging tulay upang ihatid ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao.

Dumalo din sa nasabing aktibidades si Hon. Victor James Yap, Sr., Bise Mayor ng Glan, Sarangani Province at Punong Brgy. Rodolfo T. Mabuhay na kung saan namigay ang Bise Mayor ng pagkain sa mga mamamayan.
(CMO 73rd IB, DPAO, OIC Michael Manguhig RPN Dxkt Davao.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -