Rollback sa produktong petrolyo ilalarga na ngayong araw

0
41

Inilarga na ng ilang kumpanya ng langis ang tapyas presyo sa produktong petrolyo ngayong araw.

Batay sa abiso ng Phoenix Petroleum at Unioil, epektibo kaninang ala 6:00 ng umaga ang ipinatupad na rollback kung saan nasa piso ang rollback sa kada litro ng gasolina habang nasa otsenta sentimos naman ang sa kada litro ng diesel at kerosene.

Nasa nobenta sentimos naman ang rollback na ipatutupad ng Petron para sa kada litro ng gasolina, at otsenta sentimos naman sa kada litro ng diesel at kerosene.

Samantala, kumpiyansa naman ang DOE o Department of Energy na may ipatutupad muling rollback sa susunod na linggo dahil sa sapat na suplay ng krudo sa world market.