Presyo ng bigas nagsimula nang magmura

0
52

Bumagsak na sa 32 piso ang presyo ng kada kilo ng regular-milled rice mula sa dating 40 piso, sa Metro Manila.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, ang pagbaba ng presyo ng bigas ay bunsod ng marami nitong suplay.

Batay sa datos ng Department of Agriculture, nasa 32 piso na lamang ang kada kilo ng regular milled rice sa ilang pamilihan sa Metro Manila habang nananatili naman sa 27 piso ang kada kilo ng NFA rice.

Kaugnay nito, sinabi naman ng DTI o Department of Trade and Industry na posible pang bumagsak sa 30 piso ang kada kilo ng bigas sa pagpasok ng mga imported rice bunsod ng Rice Tariffication Law.