Paolo Duterte binatikos ang IBP

0
43

Mariing binatikos ni Presidential Son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang IBP o Integrated Bar of the Philippines.

Ito ay matapos lumutang sa tanggapan ng IBP si Peter Joemel Advincula, kung saan inamin nito na siya si alyas ‘Bikoy’ na nasa serye ng video kung saan isinasangkot ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa transaksyon ng iligal na droga.

Ayon sa nakababatang Duterte, nakaka dismaya ang IBP dahil sa ginawa nitong pagtanggap kay Advincula.

Kaugnay nito, hinamon rin naman ni Duterte si Advincula na magsampa ng kaukulang kaso kaugnay ng mga alegasyon nitong sangkot siya sa illegal drug trade.

Matatandaang, si alyas ‘Bikoy’ ang nasa serye ng video na tinaguriang “Ang Totoong Narcolist” kung saan isinasangkot nito sina Paolo Duterte, dating special assistant to the president Bong Go at Manases Carpio, sa illegal drug trade.