Rollback ngayong araw ikinasa na

0
49

Ikinasa na ng ilang kumpanya ng langis ang rollback ngayong araw.

Epektibo 6:00 ng umaga ang ipatutupad na 10 sentimos na rollback ng Phoenix, Total, Flying V, Petron at PTT Philippines sa kada litro ng gasolina at diesel.

Habang una namang nagpatupad ng tapyas presyo Caltex kaninang alas dose uno ng madaling araw ang 10 sentimos na bawas presyo sa kada litro ng gasolina ng diesel.