Mga customer ng Meralco makatatanggap ng refund

0
50

Magandang balita para sa mga customers ng Meralco.

Makatatanggap ng refund ang mga customer ng Meralco at iba pang distribution utilities matapos madiskubre ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang sobrang singil ng Phil. Electricity Market Corporation.

Batay sa kautusan ng ERC, hindi dapat bababa sa 4 centavos kada kilowatt hour ang matatanggap na refund ng kada customer.

Kasabay nito, tiniyak rin naman ng ERC na patuloy na matatanggap ng mga customer ang refund hanggang sa tuluyang maibalik ng meralco ang P1.8-B na sobrang singil.