31.3 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Roll back sa presyo ng petrolyo muling inaasahan

- Advertisement -

Inaasahang magkakaroon muli ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito’y bunsod ng patuloy na pagmura ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay Rodela Romero, assistant director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, kung pagbabatayan ang presyo ng krudo ay makikitang pababa ito at malaki rin posibilidad na magtuloy-tuloy ito.

Nauna nang nagpatupad ng bawas presyo ang Phoenix Petroleum nuong Sabado kung saan nasa P2.20 ang tapyas sa kada litro ng diesel habang P1.10 naman sa kada litro ng gasolina.

Sinundan din ito ng iba pang kumpanya na nagpatupad naman ng P2.30 na bawas presyo sa diesel, P1.10 sa gasolina at higit P2 naman sa kerosene.

Dahil dito, simula sa unang rollback nuong Oktubre 15, halos naglalaro na sa P10.05 hanggang P10.20 ang ibinaba ng presyo ng gasolina habang P8.30 hanggang .45 sa diesel.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -