35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Ex-HUDCC secretary general sangkot umano sa pangingikil — Panelo

- Advertisement -

Sangkot umano sa extortion o pangingikil si dating Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary General Falconi Millar kaya nasibak ito.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may matibay na ebidensya na nagsasangkot kay Millar sa pangingikil sa isang kumpanya.

Batay sa isang sinumpaang salaysay ng hindi na binanggit na source, may bayarin umano ang HUDCC sa naturang kumpanya ngunit hindi pa inilalabas ang pondo.

Dito na nag-alok si Millar sa naturang kumpaniya na bigyan na lamang siya ng malaking halaga ng pera upang mabalis ang proseso.

Naulit pa umano ang pag-aalok ni Millar ngunit hindi ito kinagat ng kumpanya sa halip ay naghain ng reklamo sa Malakanyang.

Dahil dito, agad na ipinagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak at imbestigasyon kay Millar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -