34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Retiradong pulis tinambangan sa Pasay City

- Advertisement -

Patay ang isang retiradong pulis habang sugatan naman ang dalawang kasamahan nito matapos tambangan sa bahagi ng Mall of Asia sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Retired C/Insp. Roberto Razon, dating hepe ng anti-drug unit ng Quezon City Police District.

Ayon kay Ssupt. Noel Flores, hepe ng Pasay City-Philippine National Police (PNP), nangyari ang insidente dakong alas dose kaninang tanghali sa panulukan ng Diokno Blvd. at Coral Way di kalayuan sa nabanggit na mall.

Minamaneho aniya ng biktima ang isang kulay itim na Toyota Vios na may plakang “AAY 2359″ nang tabihan ito ng mga salaring sakay ng motorsiklo at nagpaulan ng bala.

Katatapos lamang umanong  mag inspeksyon ni Razon sa Solaire Resort and Casino kung saan nagtatrabaho ito bilang security officer.

Nagtamo ng anim na tama ng bala ng baril ang biktima sa kaniyang dibdib, braso at likod na siyang ikinasawi nito habang nakaligtas naman ang dalawang babaeng sakay ng biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek.

(with report from Jaymark Dagala)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -