Robredo pwedeng maging asset sa war on drugs —DILG spox

0
17

Posibleng maging asset sa kampanya kontra iligal na droga si Vice President Leni Robredo.

Ito ang naging reaksyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) spokesman Usec. Jonathan Malaya, matapos tanggapin ni Robredo ang posisyon bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Malaya, hindi malayong maging asset si Robredo ng kampanya kontra iligal na droga dahil sa pagnanais nito na mabawasan ang bilang ng drug users sa bansa lalo na sa mga kabataan.

Aniya, maari kasing makapag bigay si Robredo ng alternatibong istratehiya sa pamamagitan ng karanasan nito bilang public servant at koneksiyon sa ilang organisasyon.

Katuwang rin aniya rito ng DILG ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).