Pilipinas hindi pa handa sa paggamit ng nuclear energy —Gatchalian

0
34

Muling iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na hindi pa handa ang Pilipinas sa paggamit ng nuclear energy.

Ito ay kaugnay ng plano ng Department of Energy (DOE) kung saan ikinu-kunsidera nito ang paggamit ng nuclear energy sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, hindi pa rin nag-susumite ang DOE ng detalyadong position paper hinggil sa naturang hakbang.

Paliwanag ng senador, masyadong mapanganib sa bansa ang paggamit ng nuclear power plant bilang pangunahing pagkukunan ng enerhiya.

Aniya, dapat kasi itong mapag-aralan ng mabuti at dapat din munang ilatag ng DOE ang safeguard frameworks para maiwasan ang panganib na kaakibat nito.

Dagdag pa ng senador, hindi dapat madaliin ng DOE ang nuclear power program dahil kailangan pang pag-aaralan kung na-aayon sa saligang batas ang paggamit nito sa bansa.

Wala pa rin akong nakukuhang update that’s why I am telling the Department of Energy na ang nuclear power is a very controversial source of energy dahil yung risk napakataas. For example saan mo itatapon yung nuclear waste? Pangalawa kapag may leakage, ano ang gagawin natin? mayroon ba tayong capability? We are not ready in terms of safe guards, knowledge and management, and disaster response,”—ani Senator Sherwin Gatchalian.