Robredo nanawagan para ipatupad ang ‘work from home arrangement’

0
18

Panahon na para ipatupad ang ‘work from home arrangement’.

Ito ang panawagan ngayon ni Vice President Leni Robredo matapos na ideklara ng World Health Organization (WHO) na global pandemic ang coronavirus disease 2019 (COVID-19)  outbreak.

Sinabi ni Robredo, ito ay upang maprotektahan din ang mga manggagawa sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dagdag pa ni Robredo,  hindi kasi sapat na ang 4-day work week, bagkus ay dapat na pandayin ng mga kaukulang ahensiya ang alternatibong paraan upang maitawid ang operasyon ng mga kumpanya nang hindi nalalagay sa panganib ang kalusugan ng mga manggagawa.