Robredo: Kailangan isantabi anumang alitan upang tugunan ang pagkalat COVID-19 sa bansa

0
15

Dapat na munang isantabi ang anumang alitan, hadlang at pagkakaiba upang tugunan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito ang panawagan ni Vice President Leni Robredo sa gitna ng  tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Robredo, dapat na nasa ‘disaster mindset’ ngayon ang lahat ng mga opisyal at kinauukulang ahensiya ng gobyerno upang mabilis na masolusyunan ang global pandemic na ito.

Dagdag pa ng Bise Presidente, dapat din na tiyakin na sapat ang probisyon sa mga komunidad pati na ang suplay ng mga pangunahing kailangan ng publiko upang maging epektibo ang anumang hakbang na ipatutupad ng pamahalaan.

Sa ngayon, umapela si Robredo sa publiko na maging alerto ngunit kalmado sa pag-harap sa naturang outbreak.