Manila Water may rollback; Maynilad magtataas ng singil

0
45

Asahan na ang mas babang singil sa tubig para sa mga konsyumer na sini-serbisyuhan ng Manila Water, habang taas singil naman ang naka-abang sa mga customer ng Maynilad Water Services.

Ito ay bunsod ng inaprubahang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) ng Metropolitan Waterworks And Sewerage System (MWSS) para sa dalawang water concessionaire na epektibo sa ikalawang quarter ng taon.

Sa ilalim ng fcda mechanism, papayagan nito ang mga water concessionaires na marekober ang mga nalugi sa kanila, at  mai-refund ang currency gain.

Dahil dito aabot sa P0.21 kada cubic meter ang ibababa sa singil ng Manila Water.

Habang P0.5 naman ang itataas sa kada cubic meters ng singil ng Maynilad.