Robredo nag-grandstanding lang sa ICAD — Duterte

0
17

Wala namang ginawang trabaho si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal drugs (ICAD).

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo, nag-usap sila ng Pangulo kagabi at iginiit aniya ng Pangulo na grandstanding lamang ang ginawa ng Bise Presidente sa ICAD.

Dagdag pa ni Panelo, dapat na nakipagpulong muna si Robredo sa Pangulo para malaman niya ang lawak ng kapangyarihan bilang co-chairman at hindi puro iyak sa media.

Samantala, binigyan na aniya ng Pangulo si Robredo ng pagkakataon tumulong sa kanyang kampanya kontra illegal na droga ngunit pinagulo lamang niya ito.