Nuclear weapons hindi sagot sa kapayapaan — Pope Francis

0
20

Nananawagan si Pope Francis na tuluyan nang alisin ang mga nuclear weapons.

Ito ang inihayag ng Santo Papa sakanyang pagbisita sa Nagasaki, Japan, lugar kung saan tinamaan ng atomic bombs noong World War 2.

Ayon pa kay Pope Francis, hindi sagot sa kapayapaan ang mga nuclear weapons na dahilan ng pagkamatay ng madaming tao.

Matatandaang, umabot sa 74,000 katao ang nasawi noong taong 1945 matapos mabagsakan ng atomic bomb ng mga U.S Forces.