Tuesday, May 7, 2024

Mahigit 200 katao arestado dahil sa paggamit ng vape

- Advertisement -

Tinatayang umabot na sa 243 katao na ang naaresto ng Philippine National Police (PNP), dahil sa paglabag ng mga ito sa vape ban.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigop Duterte ang pagbabawal sa paggamit ng electric cigarette o vape sa mga pampublikong lugar maging ang importasyon nito.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, kanila ring nakumpiska ang nasa 318 vape devices at 666 na vape juice products.

Aniya, agad naman nilang pinalaya ang mga nadakip at pinalista lamang ang mga ito sa blotter list.

Samantala, ang Central Visayas ang may pinakamalaking bilang ng naaresto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img