Sotto tinutulan ang widespread lock-down sa bansa dahil sa COVID-19

0
10

Mahigpit na tinutulan ni Senate President Vicente Sotto III ang pagpapatupad ng widespread lockdown sa bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Sotto,  mistula kasing panibago na namang kaso ng ‘textbook over-reaction’ kung ipatutupad ang lockdown sa Metro Manila lalo na’t labis aniya itong maka-aapekto sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Sotto, imbes na i-lockdown ang malaking bahagi ng isang lungsod o rehiyon mas makabubuti na tukuyin na lamang kung anong barangay o lugar ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Giit pa nito, dapat ding mas paigitingin ang testing sa mga komunidad at ang istriktong containment sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.