Thursday, May 9, 2024

Robredo handang ilatag sa Kamara ang kanyang mga plano vs illegal drugs sa bansa

- Advertisement -

Handa si Vice President Leni Robredo na ilatag sa Kamara ang kaniyang mga plano para maging matagumpay ang kampanya kontra iligal na droga.

Kaugnay ito ng pahayag ni Cong. Elpidio Barzaga at House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers na dapat ipaliwanag ni Robredo sa Kamara ang kanyang mga plano sa war on drugs.

Ayon kay Robredo, pabor sa kaniya ang ganitong mga mungkahi dahil nais niyang mailahad sa mga mambabatas ang magiging direksyon ng kampanya laban sa illegal drugs.

Inamin din naman ni Robredo na sa pulong kasama ang U.S. Embassy Officials ngayong araw ng Miyerkules, Nobyembre 13, ay hihingiin niya ang tulong ng mga ito upang mahuli ang mga itinuturing na big-time drug lords na dahilan nang pagpasok ng mga iligal na droga sa Pilipinas.

Magiging platfom yun para mailahad natin kung saan patungo yung bagong direksyon ng kampanyang ito (war on drugs)… pareho din sa United Nations, marami na rin silang pag-aaral.. gusto nating malaman kung anu-anong resources yung available lalo na yung sa intelligence,” —ani Vice President Leni Robredo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img