Duterte hindi manghihimasok sa isyu ng term sharing sa House speakership

0
13

Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na mamamagitan sa isyu ng term sharing sa House speakership.

Ito mismo ang binigyang diin ng pangulo sa kaniyang talumpati sa kaarawan ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco sa San Juan City Lunes ng gabi, Nobyembre 11.

Ayon kay Pangulong Duterte, hahayaan niya ang mababang kapulungan ng Kongreso na ayusin ang naturang usapin.

Matatandaang, napag-kasunduan sa term-sharing ng dalawang mambabatas na si Cayetano ang mauupong house speaker sa loob ng 15 buwan habang papalitan naman ito ni Velasco sa nalalabing panahon ng 18th Congress, o katumbas ng 21 buwan.