33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Hiling na dagdag pondo ni Robredo sa ICAD suportado ni Barbers

- Advertisement -

Suportado ni House Comittee on Dangerous Drugs Chairman Robert Barbers ang hiling ni Vice President Leni Robredo na karagdagang pondo para sa Inter-agency Committee on Anti-Illega Drugs (ICAD).

Kaugnay ito ng naging pahayag ni Robredo, na siya ring Co-chairperson ng ICAD, na dapat dagdagan ang nakalaang P15-milyong pondo para sa ICAD.

Ayon kay Barbers, wala siyang nakikitang mali sa mungkahing ito ni Robredo dahil talagang kailangan aniya ng ICAD ng pondo para makakalap ng impormasyon sa war on drugs.

Suportado rin naman ni Barbers ang suhestiyon na dapat mayroon body cameras ang operatiba na nagkakasa ng anti-drug operations.

Samantala, tiniyak naman ng mambabatas na handa siyang tulungan si Robredo para sa epektibong mga programa sa war on drugs campaign.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -