Robredo dapat linawin kay Duterte ang posisyon bilang drug czar —political analyst

0
18

Kailangang makipag linawan ni Vice President Leni Robredo sa Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kaniyang trabaho bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti- Illegal Drugs (ICAD).

Pananaw ito ng political analyst na si Professor Ramon Casiple sa halip na isuko ni Robredo ang pagpupursige nitong makatulong sa sarili nitong mga diskarte na maresolba ang problema sa iligal na droga.

Sinabi ni Casiple na dapat maglaan ng sapat na oras si Robredo para personal na marinig sa pangulo ang nais nitong trabahuhin bilang drug czar.

Una nang lumutang ang ilang payo kay Robredo na maghain na lamang ng resignation kay Duterte dahil sa magkaibang direksyon sa anti-llegal drugs war.