Cayetano binuweltahan si Aquino sa komento nito sa P50-M cauldron

0
13

Ipinaalala ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay dating Pangulong Benigno Aquino III ang P10-bilyon pondo para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) nuong 2015.

Ito ay matapos magkomento ni Aquino sa kontrobersyal na cauldron na gagamitin sa SEA games na nagkakahalaga ng P50-milyon.

Ayon kay Cayetano, malaki rin ang P10-bilyon budget para sa pagho-host ng bansa sa APEC nuong 2015.

Marami na aniya sanang naipagawang silid aralan sa nabanggit na pondo.

Kasabay nito ibinunyag din ni Cayetano na kinausap sila ni Aquino para hindi kwestyunin ang halaga ng inilaang budget para sa APEC.