Robredo binisita ang mga Pinoy fishermen na sangkot sa ‘Recto Bank incident’

0
54

Binisita ni Vice President Leni Robredo ang 22 mangingisda na nasangkot sa Reed Bank incident.

Bagama’t parang kumambiyo ang mga ito sa una nilang sinabi na sinadya silang banggain ng mga Tsino sa Recto Bank, nais pa rin umano nilang magkaroon ng katarungan ang nangyari sa kanila.

Nag-abot din ng tulong ang bise presidente sa mga mangingisda sa kanyang pagdalaw sa mga ito sa San Jose, Occidental Mindoro.

Gayunman, hindi na idinetalye kung ano ang kanilang napag-usapan.