2 hinihinalang miyembro ng New People’s Army patay sa engkwentro sa Negros Oriental!

0
42

2 hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA ang nasawi makaraang lumusob sa isang kampo ng militar sa barangay Talalak, Santa Catalina, Negros Oriental.

Sinasabing kasama ang mga napatay sa mahigit sa 20 rebelde na lumusob sa Patrol Base ng 94th Infantry Battalion sa Sitio Kakha.

Matapos ang mahigit kalahating oras na bakbakan na ikinamatay ng 2 hindi pa nakikilalang mga rebelde.

Kabilang sa mga narekober sa pinangyarihan ng insidente ay ang mga magasin at bala ng M16 at M14 Rifle, 1 Granada at ilang pang personal na gamit ng mga nakatakas na kasapi ng NPA.