House Speaker GMA nakatakdang bumaba sa puwesto

0
55

Nakatakdang bumaba sa puwesto si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para tuluyan nang magretiro sa pulitika.

Ayon sa dating pangulo, marami siyang mga plano sa pagtatapos ng kanyang termino.

Sinasabing balak ding magsulat ni Arroyo ng libro tungkol sa kanyang buhay bilang public servant.

Nabatid na inalok din si Arroyo ng provincial government ng Pampanga para maging consultant pagbaba niya sa puwesto sa Hunyo 30.