Robredo bilang drug czar suportado ng LP

0
14

Suportado ng Liberal Party (LP) ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa alok na posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay dating Deputy House Speaker at LP Vice President for External Affairs Erin Tañada, lubos nilang kilala si Robredo kaya’t alam nila na kaya nitong gampanan ang kaniyang tungkulin bilang Co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Aniya, matapang at hindi umaatras si Robredo sa anumang hamon at responsibilidad na ibinabato sa kanya.

Kasabay nito, sinabi naman ni Quezon City Representative at House Minority Leader Kit Belmonte na tiwala sila na magagampanan ni Robredo ang trabaho ng naa-ayon sa batas.

 Masipag si VP Leni, sinsero si VP Leni, matapang si VP Leni.. and she will never shrink from any responsibility to do what she can to make our people’s lives better… kaya hindi nakapagtataka ang naging mensahe ni VP Leni… tatanggapin nya ang posisyong alok sa kanya at gagawin ayon sa batas at prensipyo ang trabahong kaakibat nito,”—Quezon City Representative at House Minority Leader Kit Belmonte.