DOJ handang makinig kay Robredo sa pagsugpo sa iligal na droga

0
8

Handa si Justice Secretary Menardo Guevarra na makinig sa mga suhestiyon ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa pagsugpo ng illegal na droga sa bansa.

Ayon kay Guevarra, handa nilang pakinggan ang mga ilalahad na bagong ideya ng pangalawang pangulo para matiyak na magiging matagumpay ang kampanya kontra droga.

Kasabay nito, pinabulaanan ng kalihim ang ilang alegasyong lumilitaw na isa lang umanong patibong ang alok na posisyon kay Robredo para mabigo ito sa kaniyang trabaho.