Thursday, May 2, 2024

MMDA magpapatupad ng ‘stop and go scheme’ sa Edsa

- Advertisement -

Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng “stop and go scheme” sa kahabaan ng Edsa, at iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila para sa nalalapit na 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay MMDA chairman Danilo Lim,  ito ay upang mapadali ang pagbiyahe ng mga atleta at delegado ng sea games sa mga venue ng palaro.

Kaugnay nito, magpapakalat naman ng mahigit 2,000 tauhan ang MMDA sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila para umasiste sa mga motorista.

Tiniyak naman ni Lim na magde-deploy din ang MMDA ng mga motorsiklo, mobile car escorts, ambulansya, tow truck na tututok sa road activities dahil sa inaasahang bigat ng daloy ng trapiko.

Samantala, sa araw ng Linggo, Nobyembre 10, magsisimula ang clearing operations ng MMDA para ayusin ang ruta ng mga delegado para sa nasabing 2019 SEA games.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img