Robredo bilang Co-chair ng ICAD ikinatuwa ng simbahang Katolika

0
15

Welcome sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pag-tanggap ni Vice President Leni Robredo sa alok na posisyon bilang Co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Father Edwin Gariguez, Executive Secretary ng CBCP-National Secretariat for Social Action (NASSA), labis na ikinatuwa ng simbahang katolika ang pagtanggap ni Robredo sa naturang posisyon.

Aniya, umaasa sila na sa pamamagitan nito ay maipapakita ni Robredo ang tama at makataong paraan ng paglaban sa iligal na droga.

Dagdag pa ni Gariguez, magkatugma ang pananaw ng simbahan kay Robredo dahil nais nila ang makatarungan at makataong paraan para masugpo ang talamak na operasyon ng mga illegal drug syndicate sa bansa.

Kaugnay nito, kumpiyansa rin naman ang CBCP na matitigil na ang umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga.