‘Disiplina muna’ campaign inilunsad ng DILG

0
17

Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang “Disiplina Muna” national advocacy campaign sa Manila City Hall.

Ayon kay Interior Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, ang naturang hakbang ay para maitanim sa bawat Pilipino ang pagkakaroon ng disiplina para sa mas maayos na komunidad.

Sa adbokasiya ring ito, ipagpapatuloy ang pagkakasa ng mga road clearing operations sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Layon din nito na imulat ang mamamayan sa pakikiisa sa mga hakbang na makakatulong para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng buong bansa.

Kaugnay nito, hinikayat ni Malaya ang publiko na suportahan at makiisa sa kampanya.