Road safety isasama na sa basic ed curriculum

0
68

Pormal nang isasama sa Basic Education curriculum ang leksyon hinggil sa “road safety”.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Asst. Sec. Edgar Galvante na layonng naturang hakbang na bigyan ng kaalaman sa murang edad ang mga bata kaugnay sa pagiging responsableng road users at drivers.

Aniya sa pamamagitan nito ay mababawasan ang bilang ng nasasawi sanhi ng aksidente sa lansangan.

Batay sa tala ng World Health Organization (WHO), umaabot sa 1.35-million ang road traffic deaths taon-taon, habang nasa 20-million hanggang 50-milliom naman ang nagtatamo ng injury. Ang road crash ang ika-walo sa nangungunang dahilan ng pagkamatay sa buong mundo.

Sa Pilipinas, 12,000 kada taon naman o katumbas ng 33 araw-araw ang namamatay dahil sa road crashes. Pangunahing biktima ang pedestrians, nagmomotorsiklo at bisikleta.

Kahapon ay idinaos ang launching of the Integration of Road Safety in the Basic Education Curriculum sa tanggapan ng LTO.