Arroyo pinasalamatan si Duterte

0
57

Pinasalamatan ni dating House Speaker Gloria Macapagal Arroyo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kaniyang pagkaka-abswelto sa kasong plunder na isinampa noon laban sa kaniya ng Administrasyong Aquino.

Ito ang pinarating na mensahe ni Arroyo sa kaniyang “appreciation dinner” na dinaluhan ng pangulo kagabi.

Ayon kay Arroyo, nagpapasalamat din siya sa suporta at pagtulong ni Pangulong Duterte sa nakalipas na tatlong dekada para labanan ang iligal na droga, kidnapping at lahat ng klase ng kriminalidad.

Aniya, proud siya na maging kaibigan ang pangulo na isa sa pinaka-popular na lider ng bansa sa buong mundo.