Foreign tourist arrivals sa Pinas tumaas – DOT

0
62

Pumapalo sa mahigit 3.4-million turista ang bumisita sa Pilipinas sa unang limang buwan ng taong ito.

Nangangahulugan ito, ayon sa Department of Tourism (DOT) ng halos 10% pagtaas ng mga turistang bumibisita sa bansa kumpara sa parehong panahon noong isang taon.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na abot kamay na ang 3.5-million mark sa taong ito na pinatunayan na nagreresulta rin ng economic gain ang preservation ng kapaligiran.

Ipinabatid ng DOT na nangunguna pa rin ang mga Korean nationals sa mga pinakamaraming bumisita sa bansa o nasa halos 789,000 at ikalawa ang Chinese tourists na sinundan ng mga turista mula sa Amerika at Japan.

Pasok naman sa sampung international visitors ng bansa ang mga turista mula sa Taiwan, Australia, Canada, United Kingdom, Singapore at Malaysia.

Taong 2018 nang makapagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na bilang ng turista o nasa mahigit 7-million sa kabila pa ito ng anim na buwang pagsasara ng Boracay Island.