Road repair sa NLEX at SLEX suspendido sa ‘Undas’

0
60

Suspendido ang road repairs sa North at South Luzon expressways sa todos los santos at araw ng mga patay, sa susunod na linggo.

Ito, ayon sa Department of Transportation (DoTr), ay upang hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko kasabay ng inaasahang pagdagsa ng libu-libong biyahero papasok at palabas ng Metro Manila at mga probinsya.

Magdaragdag aniya ng toll booths sa NLEX at SLEX habang magdedeploy ang inter-agency council for traffic ng mga drop-off zone sa paligid ng mga sementeryo sa Metro Manila.

Bukod pa ito sa mga traffic personnel na i-dedeploy upang tumulong sa local government units sa traffic management.