Akusasyon na NPA ang nasa likod ng Sagay Massacre itinanggi ng CPP

0
51

Itinanggi ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang akusasyon ng Malakanyang na sila na New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pag-masaker sa siyam na sakada o magsasaka ng tubo sa Hacienda Nene sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon sa CPP, maituturing din “basura” ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) na NPA ang naglunsad ng pag-atake sa mga sakada gayong ang mga rebeldeng komunista ang nagtataguyod at nagtatanggol sa mga magsasaka.

Pawang mga landlord anila ang dapat sisihin sa pagpapatay sa siyam na biktima.

Samantala, inihayag din ng CPP na lilitisin ng kanilang Special People’s Court ang posibleng mga nasa likod ng krimen bilang tugon sa panawagang hustisya ng mga kaanak ng mga biktima.