Road rage suspect na may ‘No.8′ plate arestado sa Tarlac

0
208

Nahuli na ng pulisya ang suspect sa dalawang road rage incident kung saan ang gamit ng suspect ay may special plate no. 8.

Dinakip sa Baketeers Bar and Grill sa Tarlac City ang suspek na kinilalang si Jojo Valerio, isang entertainer na miyembro ng Lil Eyes Band.

Ayon sa mga operatiba ng PNP Region 3 nakakuha sila ng impormasyon mula sa unang biktima ni Valerio noong Sabado sa Congressional Avenue sa Quezon City at may mga testigo rin sa Mabalacat Pampanga na nagkumpirma sa identity ng suspek nang makita ang isa pang viral video.

Sa isa pang video, makikita ang lalake habang sinusuntok ang driver ng isang pulang sasakyan at pagkatapos ay sumakay sa isang SUV na may plakang otso.

Napag-alamang hindi kamag-anak ni Congressman Carmelo Lazatin ang suspek kaya’t iniimbestigahan na ng pulisya kung saan nakuha ni Valerio ang plakang otso.

Inaalam na ng pulisya kung nasaan na ang FJ Cruiser na gamit ng suspek.

—-