Mga Pinoy sa Israel pinag-iingat sa nangyayaring giyera doon

0
59

Pinag-iingat ng pamahalaan ang mga Filipino na nasa Israel.

Sa harap ito ng nabuhay na giyera ng Israel at mga militanteng Palestino sa Gaza.

Sa ipinalabas na advisory ng Philippine Embassy sa Tel Aviv, pinayuhan ang mga Filipino na iwasan muna ang mga matataong lugar at iba pang lugar na malapit sa Gaza, West Bank at Golan Heights.

Una rito, pinaputukan ng mahigit sa apatnaraang (400) missiles ang Israel mula sa Gaza kaya’t gumanti naman ito ng airstrikes.

Para sa sinumang Filipino sa israel na mangangailangan ng tulong, maaaring makontak ang embahada sa mga numerong 054 466 1188.

—-