Sunday, May 5, 2024

Mag-amang mayor at vice mayor ng Balaoan La Union tinambangan

- Advertisement -

Tinambangan ang mayor at vice mayor ng Balaoan, La Union habang nasa biyahe ang mga ito patungong munisipyo kaninang umaga.

Ayon sa ulat, agad na isinugod sa ospital si Mayor Aleli Concepcion at ang tatay nitong si Vice Mayor Alfred Concepcion.

Hindi pa malinaw sa ngayon ang kondisyon ng dalawa.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na sakay ang mag-amang biktima sa kani-kanilang mga sasakyan nang pagbabarilin ito ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Nangyari ang pananambang dakong alas-8:10 ng umaga sa bahagi ng Balaoan-Luna Road sa barangay Kabuwaan.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img