RJ de Vera panalo para sa Pilipinas sa Man Hot Star International 2023

0
40

 

Nasungkit ng Pinoy pride na si RJ de Vera ang Man Hot Star International 2023 title nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 25, 2023.

Back-to-back victory para sa Pilipinas dahil si Jovy Bequillo na kinoronahan noong nakaraang taon na may kaparehong korona ay ipinasa kay RJ ang titulo.

Ginanap ang grand coronation night ng male pageant sa Sansuk Grand Hall ng Bangsaen Heritage Hotel, Thailand.

Bukod sa korona, tatanggap si RJ ng THB200,000 na PHP313,597.69, bilang premyo sa kompetisyon.

Tinalo ni RJ ang walong kandidato mula sa iba’t ibang bansa.

Masasabing double celebration ito dahil ang 1st Runner-up na si Kristzan Karlo Delos Santos na kumakatawan sa U.S.A. Filipino din.

Samantala, ang 2nd Runner-up ay ang kandidato mula sa Korea, si Jo Seong Hyeon, ang 3rd Runner-up ay ang delegado mula sa Canada, Noah Joel Chandler, at ang 4th Runner-up ay ang Thai stoner na si Oat Naranwach Piakhammueng.

 

Written by Cheleste Simene

Photo courtesy of Missosology

Leave a Reply