31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Lokal na gobyerno ng Baguio naglunsad ng program tungkol sa pagtulong sa VAWC

- Advertisement -

Baguio City – Ang lokal na gobierno ng lungsod sa pamamagitan ng lokal na konseho na Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAC-VAWC) ang nagpasa ng isang resolusyon na bumubuo ng Quick Response Team (QRT) na magsasagawa ng pagliligtas sa mga biktima ng human trafficking. 

Ang pagbuo ng QRT laban sa Human Trafficking ay inirekomenda ng City Social Welfare and Development Office bilang secretariat ng LCAC-VAWC matapos makumpirma ang pagtaas ng bilang human trafficking sa lungsod. 

Inuulat ni CSWDO Social Welfare Officer II Coralie Dulnuan na may kabuang 30 katao, karamihan ay mga kababaihan ang nailigtas mula sa anti-human trafficking operations na isinagawa sa unang  semestre  ng taong.

Samantala may mga court cases na ang naisampa laban sa mga gumawa ng human trafficking, ang kakulangan ng tamang dokumento ay isa sa hamon kaya bumuo ng QRT sa pangunguna ng ito ng Prosecutor’s Office upang magsagawa ng standard operating procedure.

Ang mga kasapi ng QRT ay ang mga law enforcement agencies tulad ng Baguio City Police Office, ang mga regional offices ng the National Bureau of Investigation kasama ang Criminal Investigation and Detection Group, ang CSWDO para sa social intervention at ang Baguio General Hospital and Medical Centers upang magbigay ng psychological intervention at maging ng medico legal services sa mga biktima.

Ang ibang miyembro ng QRT ay kinabibilangan ng City Health Services Office, ang Business Permits and Licensing Division ng City Mayor’s Office, at ang Child and Family Services Office.

Habang ang lungsod ay nagsasagawa na palagiang inspeksyon sa panggabing establisimento, ang Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children o ang LCAC-VAW ang nagsasabi na ang operasyon ng mga bar na walang permit ay nananatiling isang hamon. 

Sinabi ni Dulnuan sa pagsubaybay ng magkasanib na monitoring ng konseho, may mga 79 nagtatrabaho na walang work permit at 11 bar na walang business permits.

Ang mga establisimento na makitaan na walang permits at lumalabag sa ordinansiya ng lungsod ay binibigyan ng abiso.  (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -