Rizal gov naka-quarantine matapos makasalamuha si Año na nagpositibo muli sa COVID-19

0
12

Sumasailalim na sa mandatory quarantine si Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares.

Kasunod ito ng direct exposure ni Ynares kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na una nang nagpositibo muli sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Ynares na kailangan pa rin niyang sumailalim sa mandatory quarantine kahit pa ang mga dumalo sa nasabing pulong ay nakasuot ng face mask at face shield at sumunod sa physical distancing.

Pinapayuhan din ang iba pang nakasalamuha nina Año at Ynares sa nasabing event na sumalang sa 14-day quarantine at magpakonsulta kapag nakaranas ng mga sintomas.