RITM nag sorry kay Cong. Yap dahil sa maling COVID-19 test result

RITM nag sorry kay Cong. Yap dahil sa maling COVID-19 test result

by Powered by DWIZ
54 views

Nag sorry ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kay ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap.

Ito ay matapos magkamali ang RITM nang sabihing nag positibo sa COVID-19 ang Kongresista.

Ayon sa RITM, nananatiling negatibo sa sakit si Yap.

Sinabi ng RITM na isolated incident ang pagkakamali sa pag encode na nadiskubre nila kagabi lamang.

Tiniyak ng RITM na tumutugon sa protocol ng World Health Organziation (WHO) ang kanilang testing process at accurate ang inillabas nilang resulta

Para naman makasiguro, sinabi ng RITM na ni-review na nila ang lahat ng mga nagdaang resulta at nagdagdag din ng verification process ang WHO para sa mga susunod nilang ilalabas na resulta.

0 comment

Related Posts