Duterte sumailalim sa self-quarantine isang araw bago ang kanyang kaarawan —Spox

Duterte sumailalim sa self-quarantine isang araw bago ang kanyang kaarawan —Spox

by Powered by DWIZ
56 views

Naka self-quarantine na ang Pangulong Rodrigo Duterte matapos payuhan ng kaniyang duktor at ng Presidential Security Group (PSG).

Gayunman, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na mahigpit pa ring naka monitor sa kaganapan sa bansa ang pangulo na magdiriwang ng kaniyang ika- 75 kaarawan.

Ayon kay Panelo, birthday wish ng pangulo na sumunod na sana ang publiko sa paalala ng gobyerno na manatili lamang sa kanilang bahay at malampasan ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Sa Malakaniyang naka quarantine ang pangulo kayat hindi nito maipagdiriwang sa Davao City ang kaniyang kaarawan kasama sana ng kaniyang mga apo.

Inihayag naman ng PSG na walang tatanggaping bisita ang Pangulong Duterte bukas.

0 comment

Related Posts